Wagi ang “It’s Showtime” basketball team kontra Star Magic Dream Team sa naganap na 2023 Star Magic All-Star Games sa score na 80-77, Linggo ng gabi, Mayo 21 sa SM Mall of Asia Arena.

Nanguna si Ion Perez na umiskor ng 24 points, habang 14 points naman mula sa “Bida Man” na si Johannes Rissler upang mahabol ng grupo ang Dream Team, 22-13 sa huling quarter ng taunang sports event tampok ang Kapamilya showbiz personalities.

Proud na proud naman ang partner ni Ion at isa sa mga main hosts ng “It’s Showtime” na si Vice Ganda sa tagumpay ng kanilang team lalo pa’t ginawaran si Ion ng “Most Valuable Player” award sa pagtatapos nang nasabing palaro.

“Im so proud of you Babe ko!!!! My MVP baby!!!!,” lahad ni Meme Vice sa isang tweet.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

https://twitter.com/vicegandako/status/1660320439300935681?s=46&t=8BsjN6pvYh1CvxX-e5yT4Q

Bagama’t talo ay kamangha-mangha pa rin ang ipinakitang performance ni Daniel Padilla sa laro na umiskor ng 24 points, habang 14 points naman kay Lance Carr at 11 points naman mula kay Gerald Anderson, dahilan upang mapabilang ang mga ito sa “Mythical 5” ng basketball game.

Narito naman ang kabuoang puntos ng mga manlalaro:

It's Showtime - Perez 25, Rissler 14, De Vera 11, Yambao 7, Tai 6, Laurel 5, Navarro 5, Bang 3, Collins 2, Marquez 2, Macapagal 0, Volante 0, Corpuz 0

Star Magic Dream Team - Padilla 24, Carr 14, Anderson 11, Kapunan 8, Alonte 6, Marudo 4, Saycon 4, Pangilinan 2, Marco 2, Lisbo 2, Raval 0, Martin 0, Acao 0