Kinakyutan ng maraming netizens ang ibinahaging video ng TV news personality na si Korina Sanchez kung saan makikitang game na game na sumasayaw ang anak na si Pepe ng tradisyunal na “Maglalatik.”

Tila isang presentation sa eskwelahan nagpabilib ng kaniyang dance skills si Pepe na ikinatuwa ng maraming kaibigan at maging ng ina mismo.

View this post on Instagram

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina)

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

“Andami kong tawa dito😆🤣😂 “Mama! It’s called maglalatik dance!”Hahahaha, hay tisoy na ilonggong maglalatik🤪#TeamPepe,” mababasa sa caption ni Korina sa ibinahaging short clip ng anak.

“He is soooooo adorable! 🥰” napakomento nang si Karen Davila.

“KYOOOOOT,” sey rin ng host at eventologist na si Tim Yap.

Ilang mga kaibigan rin ng broadcast veteran ang nagpahayag ng din ng pleasant surprise sa tila mabilis na paglaki lang ng tatlong taong-gulang nang si Pepe.

“It's very nice to see that you are also enjoying the proud and funny moments that you witness as a Mom. Its one of the best moments of our lives as a Mommy, 😊❤️❤️❤️” komento pa ng isa pang netizen.

“How adorable Pepe!!! 👏👏👏 For sure superstar to paglaki!”

“Omg ❤️❤️❤️ sooo cute!”

Umabot na sa mahigit 35,000 likes ang inani ng cute na cute na video sa pag-uulat.

Taong 2019 nang dumating sa mag-asawang Korina at dating senador na si Mar Roxas si Pepe, at kaniyang kambal na si Pilar sa pamamagitan ng gestational surrogacysa Amerika.