Tinatayang 58.93% o 472 sa 801 examinees ang pumasa sa May 2023 Chemical Engineers Licensure Exam, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Lunes, Mayo 22.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Christian Jay Pagunuran Balboa mula sa De La Salle University Manila bilang mga topnotcher matapos siyang makakuha ng 92.60% score.

Samantala, hinirang na top performing school ang University of the Philippines Diliman matapos umano itong makakuha ng 96.67% overall passing rating.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Mayo 16 hanggang Mayo 18 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Baguio City, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, at Rosales, Pangasinan.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands