Ipinahayag ni House Speaker Martin Romualdez nitong Linggo, Mayo 21, na nananatiling maayos ang House of Representatives at nakatuon umano sa kanilang tungkulin para sa kapakanan ng mga Pilipino.

Ito ay matapos ang naganap na “demotion” kay Pampanga 2nd district Representative at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker sa plenary session ng Kamara.

“House of the People is in order,” pahayag ni Romualdez. “This same level of order is what allowed us to approve on third and final reading at least 29 of the 42 bills that comprise the legislative agenda of President Ferdinand Marcos, Jr.”

Kabilang umano sa mga nasabing panukala ang mga hakbang para sa mga benepisyaryo ng agrarian reform, paglikha ng mga specialty center sa mga probinsya na katulad ng Lung and Heart Centers sa Metro Manila, at ang Magna Carta bills na naglalayon umanong protektahan ang mga karapatan at itaguyod ang kapakanan ng Barangay Health Workers at Seafarers.

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

“There is still much work to do, so occasional moves to destabilize the House should be nipped in the bud,” ani Romualdez.

“The House cannot be distracted from finding legislative solutions to issues that affect the lives of ordinary Filipinos. Rather than engaging in politicking, I would rather that we, in the House of Representatives, remain focused on more urgent matters,” dagdag niya.

Binanggit din ni Romualdez na dapat patuloy na tutukan ng UniTeam ang kapakanan ng mga ordinaryong Pilipino.

"The Uniteam, which the House Leadership has always been a part of, must continue to focus on finding immediate solutions to problems of ordinary Filipinos.

“The House chooses to focus on addressing low power supply, high electricity rates, telco issues and unstable commodity prices, instead of political destabilization," saad ni Romualdez.

Sa kaparehong pahayag ay binanggit din ni Romualdez ang “catchphrase” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong panahon ng kampanya sa halalan noong nakaraang taon.

"Ang mga tunay na problema ng karaniwang Pilipino ang dapat nating unahin, ang dapat nating paglaanan ng atensiyon. Isantabi na po ang pamumulitika na wala sa tamang panahon. Kung mas mapagtutuunan natin nang mas maraming oras ang paghahanap ng solusyon sa mga tunay na suliranin ng karaniwang Pilipino, sama-sama tayong babangon muli,” aniya.

Umusbong ang mga usap-usapang hindi maayos ang lahat sa UniTeam matapos ang naging pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD). Si Romualdez ay ang Lakas-CMD president.

BASAHIN: ‘UniTeam’ no more? Makabayan solons, nag-react sa mga nangyayaring ‘drama’ sa admin

BASAHIN: VP Sara, nagbitiw bilang miyembro ng Lakas-CMD

Nagbitiw si Duterte matapos umanong mangyari ang nasabing “demotion" kay Arroyo sa Kamara.