Inaasahang bababa na ang presyo ng sibuyas ngayong linggo, ayon sa pahayag ng isang opisyal ng Department of Agriculture (DA) nitong Linggo.

Sa panayam sa radyo, ikinatwiran ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na magtatakda na sila ng cold storage price (wholesale price) na ₱115 kada kilo ng pulang sibuyas at ₱100 naman sa bawat kilo ng puting sibuyas.

Paglilinaw ng opisyal, napagkasunduan na nila ito sa idinaos na stakeholders meeting kamakailan at sinabing layunin nitong mapababa ang presyo ng produkto sa merkado.

Inaasahan ni Evangelista na magiging ₱140 hanggang ₱150 na ang presyo ng sibuyas sa merkado simula sa Martes, Mayo 23.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"Ang cold storage price ay ₱115 para sa red onions at ₱100 para sa white onions. 'Yan ang presyo para makarating sa ating mga retailers ng tama para maibenta nila at P150 at P140,” pagdidin pa ng opisyal.

Sa nakaraang price monitoring ng ahensya, aabot pa sa ₱160 hanggang ₱200 ang bawat kilo ng sibuyas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.