Inako ng grupo ng mga rebelde ang pagpatay sa isang magsasaka matapos umanong bawiin ng huli ang pagsuporta sa kilusan sa Guihulngan City, Negros Oriental nitong Sabado ng hapon.

Paliwanag ni City Police chief, Lt. Col. RomeoCubo, bago tumakas ay sumigaw pa umano ang mga suspek ng "Mabuhay ang NPA."

Ayon kay Cubo, abala siEduardo Antiquando Balansag, 47, sa paggawa ng bahay nito saSitio Mansalukon, Barangay Calupaan nitongsa Mayo 20 nang dumating ang dalawang suspek.

Matapos ang 40 minutong pag-uusap, bigla na lamang binaril ng dalawang suspek ang biktima na nakatakbo sa labas ng bahay.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Gayunman, hinarang ito ng dalawa pang suspek bago pinagbabaril.

Sinabi ni Cubo, naging ugat ng krimen ang pagtanggi na umano ng biktima na sumuporta sa kilusan.

"Information that we gathered from the ground showed that Balansag used to provide food to the armed rebels but had stopped recently,” sabi pa ni Cubo.

Philippine News Agency