LAGUNA -- Nakumpiska ng anti-narcotics operatives ng Laguna Police ang kabuuang P3,119.500.00 halaga ng hinihinalang shabu kung saan tatlong high-value individual din ang naaresto sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Calamba City nitong Sabado, Mayo 20.

Nabanggit sa ulat ni Laguna Police director Col Randy Glenn Silvio kay Police Regional Office-4A director Brig. Gen. Carlito Gaces ang mga suspek na sina Roni Hernandez, Christian Libao, at Jayson Muyna pawang ng lungsod na ito.

Ayon kay Calamba City Police chief Lt. Col. Milany Martinez sina Hernandez at Libao ay naaresto sa Barangay Turbina ng Calamba City police at Provincial Intelligence Unit at nakuhanan ng humigit-kumulang 405 gramo ng shabu na may tinatayang street value na P2,754,00 bandang 6:12 ng gabi.

Gayung si Muyna sa Barangay Halang at nakuhanan naman ng 53.75 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P365,500.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay isasailalim sa pagsusuri habang ang mga kasong may kinalaman sa droga ay isasampa sa korte laban sa mga suspek.