Na-meet na rin ni Kapuso news personality Mav Gonzales ang pinakabagong Kapuso actor at dagdag sa GMA News and Public Affairs na si Matteo Guidecilli.

Bahagi nga sa Kapuso journey na ngayon ni Matteo ang mapasama sa Unang Hirit (UH) barkada, ang morning show ng GMA Network.

Basahin: Matteo Guidicelli sa GMA: ‘Thank you for believing in me’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, isang kuwelang post ni Mav kasama ni Matteo ang ikinaaliw ng netizens kamakailan matapos ang tila introduksyon na niya kay Matteo.

Mark Anthony Fernandez, nadaya kaya wala pang acting award?

Kuwelang caption kasi ang hirit ng Kapuso news personality sa larawan nila ng bagong Kapuso.

“Dati crush ko si @matteog, ngayon ang crush ko na si @justsarahgph 😂😂😂 Hi love!” aniya.

Sa Facebook, umabot sa mahigit 2,800 reactions ang inani ng pabirong post ni Mav.

Basahin: ‘Mabuti nang wala kesa mali’: Mav Gonzales, ‘di nakikitang kakulangan ang pagiging single – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid