City of San Fernando, Pampanga -- Dagdag pang mga dating miyembro ng communist terrorist groups (CTG) ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad habang ilang miyembro ng kanilang mga support group ang pumanig na rin sa gobyerno, iniulat ng Police Regional Office 3 nitong Linggo.

Ang boluntaryong pagsuko ay nag-ugat sa patuloy na aktibidad ng police-community peace building at special intelligence driven operations ng Central Luzon cops.

Sa Aurora, boluntaryong sumuko ang dalawang dating miyembro ng underground mass organization na BATARIS at Samahang Kabataan ng Aurora na kinilalang sina “Ka Rubie” at “Bigboy”.

Parehong isinuko ng dalawa ang Cal. 38 revolver, tatlong bala, dalawang 40 mm high explosives, deposporo (improvised firearm), detonating cord, blasting cap at mga subersibong dokumento.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Habang sa Bataan, isang dating miyembro ng CTG na kinilalang si “Ka Elmer” ang sumuko sa Bataan Pomice at nag-turn over ng improvised shotgun, mga bala at 40 mm high explosives.

Gayundin, tatlong miyembro ng Gabriela Women’s Party ang nangako ng kanilang katapatan sa gobyerno at isinuko rinh ang Cal. 38 revolver.

Sa Nueva Ecija, sumuko rin sa mga awtoridad si “Ka Leo”, 65 ng Lupao, Nueva Ecija at itinurn-over ang Calibre .38 habang 20 kasapi ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) at tatlong miyembro ng Alyansa ng Mamamayang Nagkakaisa (ALMANA) ang tumiwalag ng kanilang suporta sa CPP-NPA.