Isang panukala na naglalayong tugunan ang iba't ibang hamon at isyu na kinakaharap ng industriya ng Business Processing Outsourcing (BPO) sa Pilipinas ang inihain sa Kamara.

Ang panukalang House Bill 8189 o BPO Workers Welfare Act, na inihain ni Kabataan Party Representative Raoul Manuel ay naglalayon para sa patas na pagtrato sa mga manggagawa sa BPO.

Anang mambabatas, sa gitna ng pagkilala sa kahalagahan ng industriya ng BPO sa pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino, dapat ay kinikilala din ang pangangailangang protektahan ang mga karapatan at kapakanan ng mga manggagawa nito.

Ang HB 8189 ay nagtatakda ng mga pamantayan para sa patas na mga gawi sa paggawa at nagpapalawak ng mga karagdagang benepisyo sa mga empleyado ng BPO, kabilang ang standard national entry-level wage, proteksyon laban sa job insecurity, at ang karapatan sa mga benepisyong medikal kapag nagtatrabaho.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Layunin din ng panukalang batas na matugunan ang isyu ng mababang sahod sa industriya ng BPO.