Ni-revive ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang 2013 hit ni Angeline Quinto na “Nag-iisa Lang,” kantang sinulat ng award-winning composer na si Jonathan Manalo.

Ito ang newest treat ng OPM icon sa fans kasunod ng official release ng kaniyang version noong Biyernes, Mayo 19.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“#NagiisaLang is a dreamy ballad that takes us on an emotional journey of someone in love that they think of, long, and wish only for the object of their affection, ✨” paglalarawan ni Manalo, ang creative director din ng Star Music.

Unang napakinggan sa album na “Higher Love” ni Angeline Quinto ang kanta taong 2013.

Sa panikabagong interpretasyon ni Songbird, kapansin-pansin ang pagbale nito sa kanta lalo na sa bahaging bridge.

Samantala, isang karangalan naman para kay Manalo na maging interpreter ang OPM icon para sa kaniyang materyal.

“So honored to have our most beloved Asia’s Songbird as part of the double vinyl album I’m releasing soon! (in celebration of the music that I’ve done through the years),💗🎶” aniya sa isang Facebook post kamakailan.

Samantala, sa isang livestream kamakailan, ibinahagi na ni Songbird ang upcoming studio album na “Reginified,” terminong binuo ng fans kung saan isang koleksyon ito kaniyang studio versions ng mga kantang na-perform na sa mga concert o sa ASAP Natin ‘To.

Bahagi ang album sa nakatakdang anniversary concert ni Songbird sa Nobyembre, ang “Regine Rocks.”