Hindi makakailang isa ang mga Pinoy sa mga mahihilig manood ng mga pelikula, hindi lang upang maglibang, pati na rin tumutok sa mga eksena at linyang makaka-relate sa mga pinagdaraanan natin sa kasalukuyan.
Bagama't aminin man natin na mas maraming tumatangkilik sa mga pelikula ng mga dayuhan, ay wala pa ring tatalo sa likhang Pilipino.
Kaya naman narito ang listahan ng ilang pelikulang Pilipino na may linyang tumatak na sa nakararami.
Minsa’y Isang Gamu-gamo (1976)
“My brother is not a pig! Ang kapatid ko ay tao, hindi baboy damo!”
Ang Minsa'y Isang Gamu-gamo ay isang pelikula na pinagbidahan ni Nora Aunor bilang Corazon de la Cruz at ipinalabas noong 1976.
Siya ay isang Filipino nurse na nangangarap makapunta sa US. Nagbago ang kaniyang buhay nang ang kaniyang kapatid ay pinatay ng isang sundalong Amerikano.
Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? (1998)
“Ikaw din naman ginagawa mo ang gusto mo. Eh ba’t kami hindi pwede?“
“Wala akong ginagawang masama!”
"Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron!"
Mula sa direksyon ni Chito Roño tampok ang isa sa mga hindi malilimutang eksena sa pagitan ng Star for All Seasons na sina Vilma Santos at Carlo Aquino, na gumanap bilang kaniyang anak.
One More Chance (2007)
“Ako na lang… Ako na lang ulit…”
“She loved me at my worst. You had me at my best. At binalewala mo lahat yun.”
Ang One More Chance ay isa sa pinakamalaking pelikula ng Star Cinema. Mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina dinala ito ng tandem nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.
Ang tagumpay ng pelikula ay nagbigay-daan din para sa isa pang sequel, A Second Chance noong 2015.
Starting Over Again (2014)
“I deserve an explanation! I need an acceptable reason!”
Sa direksyon naman ni Olivia Lamasan, ang pelikula ay pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga bilang dating magkasintahang sina Ginny at Marco.
Matapos muling makilala ni Ginny si Marco pagkatapos mag-migrate ni Marco at iwan si Ginny, bumalik sa kaniya ang mga alaala ng kanilang relasyon. Sinusubukan niyang ibalik si Marco, kahit na may bago na itong karelasyon.
Heneral Luna (2015)
“Mga kapatid, mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa mga Amerikano… Ang ating mga sarili.”
Ang pelikulang Heneral Luna ay ayon sa kasaysayan ng ating bansa na binigyang buhay. upang mapukaw muli an atensiyon nating mga Pilipino at maghatid ng magandang mensahe ng. pagiging makabayan.
Ito ay isang pelikulang historikal na ipinakita ang kagitingan ni Heneral. Luna sa bawat hamon na kanyang buhay.
Ang pelikula ay umiikot sa buhay ni Heneral Antonio Luna – ang isa sa pinakamahusay na heneral na namuno sa mga Pilipino sa digmaan laban sa mga Amerikano.
The Hows of Us (2018)
“George, I’m sorry.“
“And what makes that sorry different from all of your other sorries before? Halos pitong taon ng buhay ko, binigay ko sa’yo Primo. At sa pitong taon na iyon, isang beses lang ako nagsabing pagod na ako.”
Mula muli sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina ang tambalang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla naman ang bida bilang sina George at Primo ang bumida sa pelikulang ito.
Tungkol ito sa dalawang magkaklase na naging magkasintahan. Si Primo ay musikero at si George naman ay nangangarap na maging doktor. Nagsama sila sa isang bahay hanggang sila ay nakatapos ng kolehiyo at dito na umikot ang buong pelikula.
Bituing Walang Ninging (1985)
"You're nothing but a second rate trying hard copy cat"
Isa sa mga klasikong kwento ng pag-ibig, tagumpay, at ipinakita rin dito kung ano ang handang isakripisyo ng mga tao para makamit ang mga pangarap.
My Ex and Whys (2017)
"Am I not enough? May kulang ba sa akin? May mali ba sa akin? Pangit ba ako? Pangit ba ang katawan ko? Kapalit-palit ba ako?"
Taong 2017 nang inilabas ng Star Cinema ang My Ex and Whys, na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Ito ay ang kuwento ni Cali, isang blogger na nagsusulat ng kaniyang, "The Bakit List," at ang hindi inaasahang pagbabalik ng kaniyang ex na si Gio hindi inaasahan.
Four Sisters and a Wedding (2013)
“Pero bakit parang galit ka? Pero bakit kasalanan ko?
Ang Four Sisters and a Wedding ay ipinalabas taong 2013, ito ay isang Filipino Family comedy-drama film sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.
Bida rito sina Bea Alonzo, Angel Locsin, Toni Gonzaga, at Shaina Magdayao bilang magkapatid na muling nagsasama-sama dahil malapit nang ikasal ang kanilang kapatid na si CJ o Enchong Dee. Ang muling pagsasama ay muling nag-alab ng inggit sa magkapatid, lalo na sa pagitan nina Teddie at Bobbie.
Himala (1982)
"Walang Himala! Ang himala ay nasa puso ng tao."
Ang Himala ay isang pelikulang Filipino noong 1982 sa direksyon ni Ishmael Bernal at ginawa ng Experimental Cinema of the Philippines.
Pinagbibidahan ito ni Nora Aunor bilang isang dalagang naninirahan sa probinsiya na nagsasabing nakakita siya ng isang Marian na aparisyon.