Walang nanalo sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Sabado ng gabi kung saan aabot sa mahigit sa ₱29 milyon ang nakalaang premyo.
Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination na 01-33-43-53-26-20 na may jackpot na ₱29,700,000.00.
Sa Lotto 6/42 draw, wala ring tumama sa jackpot na ₱15,393,333.200 para sa winning combination na 21-39-22-18-02-36.
Binobola ang Grand Lotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang Lotto 6/42 draw ay tuwing Martes, Huwebes at Saba