Ibinahagi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado, Mayo 20, na malapit na ang tag-ulan.

Sa isang public weather forecast nitong Sabado, sinabi ni PAGASA Weather Specialist Benison Estareja na maaaring ideklara ang tag-ulan sa katapusan ng Mayo o unang bahagi ng Hunyo.

“Sa mga nagtatanong kung posible na bang magsimula ang tag-ulan anytime, ang sagot po natin d’yan ay posible itong magsimula sometime sa mga huling araw ng Mayo – maaaring later next week – hanggang sa mga unang araw ng Hunyo,” ani Estareja.

Idedeklara umano ang pagsisimula ng tag-ulan kapag nasunod ang pamantayan ng PAGASA. Kabilang dito ang mga sumusunod: ang hindi bababa sa pitong istasyon o 50% ng monitoring stations ay dapat magtala ng five-day period na may kabuuang pag-ulan na 25 mm o higit pa at hindi bababa sa 1 mm na pag-ulan sa loob ng tatlong magkakasunod na araw. Bilang karagdagan, ang umiiral na hangin ay dapat na may westerly component sa kanlurang bahagi ng Pilipinas dahil ito ay nauugnay sa pagbuo ng mga weather patterns na nagdudulot ng pag-ulan, ayon sa state weather bureau.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sinabi ni Estareja sa parehong weather forecast na kasalukuyan nilang binabantayan ang dalawang weather system. Isa sa dalawang ito ay ang intertropical convergence zone (ITCZ) na nagdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, at Palawan.

Ang isa pang weather system ay tropical depression sa labas ng Philippine area of ​​responsibility (PAR). Huli itong namataan sa layong 2,510 kilometro (km) sa silangan ng Mindanao na may lakas na hanging 45 kph at pagbugsong 55 kph.

Ayon kay Estareja, kung magpapatuloy ang weather disturbance sa hilagang-kanluran, maaari itong pumasok sa PAR sa Biyernes o Sabado sa susunod na linggo. Papangalanan itong Betty.

“If this track continues, the odds are low that it will hit the Philippine landmass. But what we should monitor is the enhancement of the southwest monsoon next week,” aniya.

Charie Mae Abarca