Viral ang Facebook post ng isang netizen kung saan naglabas siya ng saloobin hinggil sa ilang mga tatay na hindi pinipiling maging ama o magpaka-ama sa kanilang mga anak.

Ayon sa caption ni "Charles Kenneth Teylan, 23 anyos mula sa Pateros, Metro Manila, bilang isang tatay na rin ay masarap ito sa pakiramdam, kaya hindi raw niya maintindihan kung bakit may mga tatay na hindi nagpapaka-ama sa kanilang mga anak.

Kalakip ng kaniyang Facebook post ang isang litratong nagpapakita ng kaniyang mga pasalubong para sa uuwiang anak.

"Sarap maging tatay, kaya di ko maintindihan madalas bakit may mga taong ayaw magpaka-ama sa anak nila," aniya.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Tama… yung iba, hindi talaga responsable."

"Baka naman kasi iba ang pinagdaraanan nila sa sitwasyon mo. Don't judge them."

"Yung mga nag-comment ng 'Sige na mamalengke ka na,' Sila yung mga lalaking palamunin, batugan, unemployed."

"Masaya dahil mahal niya yung anak congrats mga tatay."

"May mga lalaki kasing mas gugustuhin yung sariling kaligayahan kesa magpaka-ama. Mataas ang ego gusto nila sila yung magmumukhang masaya habang ang anak hindi iniisip."

"Kasi ayaw nila mag-commit sa responsibility bilang isang ama."

"Ako din eh pag galing show iniisip ko na agad ano ba puwede ko pasalubong sa mga anak ko dapat ganyan lagi kahit wala na matira sa'yo basta sa mga anak mo ok lang masaya na ako."

Ayon sa panayam ng Balita kay Charles, isa siyang party host magician at masaya sa kaniyang partner na si Patricia Angela Mendoza, kasama ang mga anak na sina Alessia Cattaly at Isaiah Marcus.

"Be a good father no matter happen, maging haligi tayo hindi lang sa tahanan kundi sa buhay ng asawa at anak natin habang buhay, mabuhay lahat ng tatay," mensahe ni Charles sa lahat ng mga kagaya niyang ama.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 5.6k reactions, 13k shares, at 438 comments ang naturang trending FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!