Binalaan ng Department of Health (DOH) nitong Sabado, Mayo 20, ang mga Pilipino laban sa kumakalat na maling artikulo tungkol sa lunas sa hypertension.

Sa isang advisory na inilabas noong Sabado, sinabi ng DOH na umiikot sa social media ang isang maling artikulo ukol sa maling lunas.

“DOH clarifies that the said post is not in any way or form approved, affiliated, or recommended by the [department] and its attached agencies,”giit nito.

Ang artikulo, na nai-post sa isang pekeng website na nagpapanggap na isang na-verify na network ng media, ay nagsasabing ang isang Pilipinong eksperto ay nakahanap ng paraan upang "maalis ang mga problema sa presyon ng dugo" sa loob lamang ng 14 na araw.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Upang kontrahin ang disinformation, pinaalalahanan ng DOH ang publiko na ang mga non-communicable disease at comorbidities tulad ng hypertension ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng malusog na gawi tulad ng tamang pagkain at ehersisyo.

“Be sure to regularly have check-ups and consult your physician to keep sickness at bay,” saad ng DOH.

“Source information only from legitimate sources and platforms,” dagdag nito.

Charie Mae F. Abarca