I-check out mo na 'yung mga nasa cart mo dahil puwedeng-puwede ka na bumili ng libro mula sa ibang bansa nang walang binabayarang 'custom duties' o tax.

Ito ay magandang mensahe mula sa Department of Finance at Bureau of Customs. Ngunit mariin namang pinaalalahanan ng Customs na ang mga aklat na pinaplano mong bilhin ay hindi para sa mga layuning pang-advertising.

Bukod dito, may kaukulang mga limitasyon sa bilang ng mga kopya sa bawat pamagat na maaari mong bilhin.

Kabilang sa mga limitasyon dito ay maaari lamang umabot sa anim na kopya ang bibilhing isang libro at 12 kopya lamang sa mga institutional buyers.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

"Good news! You can import books to the Philippines without paying any customs duties and taxes, as long as they are not intended for advertising purposes," pag-aanunsyo ng ahensya.

"But take note, there are limits to the number of copies you can bring in. As an individual importer or recipient, you can only import up to six (6) copies of a single book, while institutional importers or recipients may import up to twelve (12) copies of any one book," dagdag pa ng Customs.