Panalo pa rin ang Pinoy-Canadian na si Raymond Salgado sa nakuhang karanasan sa Canada’s Got Talent na aniya’y isang “life-changing” na pagkakataon kahit bigong maiuwi ang mismong kampeonato.

Ito ang nabitbit na karanasan ng Pinoy singer na umaasang naipanalo naman ang puso ng mga tagahanga at manunuod sa kamakailang finale ng kompetisyon.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

“I want to thank everyone who’ve believed in me and fought for me. You are all the reason why I am a finalist,” anang singer.

“I took a risk and never did I think in a million years I’d get this opportunity to share my gift with Canada. I know this is beginning and this isn’t the end for me,😉❤️” pagtatapos niya.

Basahin: Fil-Canadian Raymond Salgado, pasok na rin sa semifinals ng Canada’s Got Talent – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa finale, emosyonal na inawit ni Raymond ang ballad na “Lay Me Down” para sa namayapang pinsan sa sakit na cancer.

Standing ovation mula sa apat na judges na sina Howie Mendel, Lilly Sigh, Trish Stratus at Kardinal Ofishall ang nakuha ng Pinoy talent.

Sa huli, itinanghal na 5th placer si Raymond.

Ang dance act na Conversion nag nag-uwi ng kampeonato.