Enrile, Cagayan -- Tapos na ang pagpapalawak ng Liwan Bridge na magbibigay ng mas ligtas at mas maginhawang paglalakbay para sa mga motorista. 

Mula sa dalawang lane ginawa itong apat na lane, ayon kay District Engineer Mariano B. Malupeng.

Matatagpuan ang 22 metrong tulay sa Kalinga-Cagayan Road (Calanan-Enrile Section) sa Barangay Liwan Sur. 

Pinondohan ng Department of Public Works and Highways Cagayan Third District Engineering Office (DPWH-CTDEO) ang proyekto sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) FY 2022 na may total budget allocation na ₱22,148,000.00.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito