Mukhang aprub sa mga netizen ang "words of wisdom" ng aktres, entrepreneur, at author na si Maricar Reyes-Poon tungkol sa pagkakaroon ng trabaho o gawain na hindi nakalinya sa college diploma o kursong pinagtapusan sa kolehiyo.

"Your college course will not define your career," ani Maricar sa kaniyang Facebook post noong Mayo 16.

Ginawa niyang halimbawa ang kaniyang sarili. Aniya, nagtapos siya ng kursong Medisina at kung tutuusin ay licensed medical doctor naman siya, subalit wala siya sa mga ospital upang isapraktika ang kaniyang propesyon.

Gayunpaman, hindi raw ibig sabihin nito na hindi na niya magagamit ang mga napag-aralan sa ibang bagay, sitwasyon, o senaryo.

Sen. Bato, iginiit na hindi convicted criminal si Lopez para ilipat sa Women's Correctional

"'Nag-aral ka ng medicine, pero di ka nagpa-practice. HINDI BA SAYANG?' Nope 😉 Just this morning I checked on & managed my team member who was not feeling well for the last few days."

Inisa-isa ni Maricar na bukod sa pagiging artista, isa siyang baker, entrepreneur, kitchen assistant ng kaniyang mister na si balladeer singer Richard Poon, author ng libro, at content creator.

"Don’t let your degree limit what you can do with your life," dagdag pa ni Maricar.

Kaugnay pa nito, sa isa pang Facebook post ay nagbigay rin ng kaniyang insights si Maricar patungkol naman sa grades.

"Your grades in school will not determine your success in life(Binagsak ko Neuro nung med school noh😜) It’s how you BOUNCE BACK from the failure
," ani Maricar.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Correct. And don’t let your career define who you are."

"True. Never naging sayang. As a stay at home mom, I applied everything I learned from my profession. Yung flexibility, multi-tasking, and everything in between. I enjoy and love what I do and it makes me happy looking after them, witnessed their milestones and proud raising my two sons."

"Kahit kailan hindi naging sayang ang pinag-aralan, dahil 'yon ang kayamanang hindi mauubos, makukuha, mananakaw kaninoman. Ikaw ang mamimili ng buhay na tatahakin mo
"

"Hindi sayang
 it’s steps to success!"

Ikaw, ano ang masasabi mo tungkol dito?