Sawa ka na ba sa lechong baboy, baka, o manok? Gusto mo bang makatikim ng "exotic food?"

Kung oo, baka bet mong dumayo sa Davao City at subuking mag-order ng kanilang lechong buwaya na sikat na sikat doon, at ayon sa mga nakatikim na, ay lasang karne ng manok!

Makikita sa opisyal na Facebook page ng "Davao Crocodile Farm & Zoo" ang pagbebenta nila ng lechong buwaya noong nagdaang pagdiriwang ng Mother's Day, Mayo 14.

Human-Interest

New pet peeve unlocked: 'Parang nagfe-Facebook sa ATM dahil sa sobrang tagal!'

Bawat kilo ng lechong buwaya ay nagkakahalagang ₱1,500.

Maliban sa lechon, marami ring restaurant ang nag-ooffer ng mga putahe sa menu na gawa sa karne ng lechon gaya ng sisig.

Sey ng mga nakatikim na nito, kalasa raw ng chicken meat ang karne ng buwaya.

Muli raw magbebenta ng lechong buwaya ang naturang crocodile farm at zoo sa darating na Mayo 28.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!