Sinuspinde ni Odiongan, Romblon Mayor Trina Firmalo-Fabic ang klase at trabaho sa mga pampubliko at pribadong sektong nitong Sabado, Mayo 20, matapos yanigin ng magnitude 4.8 na lindol ang lugar.

Sa ulat ng Romblon News Network, sinuspinde ang mga klase at trabaho sa gitna ng mga naitalang aftershocks mula magnitude 4.8 na lindol na yumanig kaninang 8:40 ng umaga.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang Intensity V sa Odiongan.

BASAHIN: Romblon, niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagtamo umano ng crack ang Bariri Bridge sa Ferrol, Romblon dahil sa lindol.

Patuloy naman ang ginagawang damage assessment ng lokal na pamahalaan sa iba't ibang gusali sa Odiongan.