Naitala sa Aparri, Cagayan ang heat index na 49°C nitong Sabado, Mayo 20, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA, naranasan ng Dipolog City ang “dangerous” heat index na 49°C bandang 2:00 ng hapon kanina.

Ang heat index ay ang pagsukat umano kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index na mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion”.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng PAGASA.

Bukod sa Aparri, Cagayan ay nagkaroon din umano ng ‘dangerous’ heat index nitong Sabado sa mga sumusunod:

  1. Dipolog City, Zamboanga del Norte (43°C)
  2. Iba, Zambales (43°C)
  3. Juban, Sorsogon (43°C)
  4. Tuguegarao City, Cagayan (43°C)
  5. Baler, Aurora (42°C)
  6. Laoag City, Ilocos Norte (42°C)

Noong Mayo 12, naitala sa Legazpi City, Albay, ang pinakamataas na heat index sa bansa ngayong taon matapos umanong makaranas ang lugar ng 50°C.

BASAHIN: Heat index sa Legazpi City, pumalo sa 50°C, pinakamataas na naitala ngayong taon

Matatandaang, dahil sa init ng panahon, ipinahayag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel kamakailan na dapat maglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng direktiba na naglalayong bigyan ng ‘work break’ ang outdoor workers tuwing mataas ang heat index sa kanilang lugar.

BASAHIN: ‘Work break’ tuwing mataas ang heat index, ipagkaloob sa outdoor workers – Pimentel

Dahil din sa init ng panahon ay binigyang-diin kamakailan ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan na kinakailangan nang ibalik ang school calendar sa dati, kung saan bakasyon ang buwan ng Abril at Mayo, para umano sa kaligtasan ng mga estudyante.

BASAHIN: ‘School calendar, kailangan nang maibalik agad sa dati’ – house leader