Na-rescue ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na pinaghihinalaang biktima ng human trafficking sa isang follow-up operation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa isang pahayag, sinabi ng BI na kabilang sa mga biktima ang tatlong babae na pawang magtatrabaho sa isang online casino sa Cambodia.

Noong una, sinabi ng mga pasahero na nagtatrabaho sila sa bansa at magta-travel lamang sa ibang bansa.

Gayunpaman, inamin nila sa imbestigasyon na labag sa batas ang pagrerecruitsa kanila bilang mga telemarketers para sa isang online gaming company, naengganyo umano sila sa pangakong buwanang sweldo na nagkakahalagang US $800.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pinaalalahanan ni BI Commissioner Norman Tansingco ang mga nagnanais na maging overseas workers na maghanap ng trabaho sa pamamagitan lamang ng Department of Migrant Workers upang matiyak ang kanilang proteksyon laban sa mga trafficker.

Jun Ramirez