Apat na biktima ng mga illegal recruiter ang naharang ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan.

Sa Facebook post ng Bureau of Immigration (BI), paalis na sana sa bansa ang tatlong babae at isang lalaki patungong Cambodia kung saan pinangakuan magtrabaho sa online casino industry nitong Martes, Mayo 16.

Paliwanag ng BI, nakatanggap sila ng impormasyon na ang apat ay biktima ng illegal recruitment scheme kaya agad silang umaksyon na nagresulta sa pagkakaharang ng mga ito.

Sa imbestigasyon ng BI, sinabi ng apat pasahero na magtutungo lamang sila sa ibang bansa bilang mga turista.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Gayunman, inamin din ng mga ito na dumaan sila sa mga illegal recruiter matapos pangakuan na magtrabaho bilang telemarketers para sa isang online gaming company sa nasabing bansa.

Inaalam na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang pagkakakilanlan ng mga illegal recruiter upang masampahan ng kaukulang kaso.