Hindi lang isa kundi dalawang korona ang susungkitin ng mga kandidatang sasabak sa pinakaunang Miss Grand Philippines pageant ngayong taon.

Ito ang pasabog na anunsyo ng national pageant franchise sa kanilang Facebook page nitong Biyernes.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“In the spirit of unity and collaboration, Miss Grand Philippines 2023 is proud to announce that we will be crowning not one, but TWO titles at our Coronation Night. It's a celebration of diversity and empowerment. We can't wait to see who will rise to the top and represent our country with grace, beauty, and a strong advocacy for peace,” mababasa sa anunsyo.

Muli rin nilang hinikayat ang pageant aspirants na maghain ng aplikasyon para sa nagpapatuloy nitong unang bahagi hanggang Mayo 31.

Para naman sa kwalipikasyon, ang aspiring beauty queens ay dapat hindi bababa sa 5’4 ft. ang tangkad, edad 18-29 taong gulang, isang mamamayan ng Pilipinas, Philippine passport holder, babae, at hindi pa kailanman nag-asawa o nagkaroon ng anak.

Matatandaan noong Nobyembre 2022, opisyal nang kumalas ang pageant brand sa dati nitong tahanan, ang Binibining Pilipinas Charities Inc (BPCI).

Basahin: Binibining Pilipinas, opisyal nang binitawan ang Miss Grand Int’l franchise – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid