Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City -- Hindi bababa sa 19 Valley Cops ang nakakumpleto ngInstructor Development Course (IDC) sa ilalim ng International Criminal Investigative Training Assistance Program (ICITAP) sa PRO2 Maringal Center for Excellence noong Biyernes, Mayo 19.
Si Police Brigadier General Percival A. Rumbaoa, Police Regional Office 2 Director, ang nagsilbing guest of honor at speaker sa closing ceremony ng 10-day IDC.
Ang nasabing kurso ay inisponsoran ng Department of Justice ng Estados Unidos sa pamamagitan ni DOJ Attaché at Program Director Mr. Juan Bortfeld.
Ang mga programa at kursong inalok sa ilalim ng ICITAP ay naka-angkla sa pagbuo ng mga professional at transparent law enforcement institutions na nagpoprotekta sa mga karapatang pantao, paglaban sa katiwalian, at pagbabawas sa banta ng transnational crime at terorismo.
Sinabi ni Bortfeld na sa resulta ng mga pag-aaral at assessment na isinagawa ng kanilang ahensya, lumalabas na ang "pondo" umano ang isa sa mga kakulangan upang maipatupad ang iba't ibang programa ng Philippine National Police.
Nakakaapekto umano ito para mapanatili ang pagsisikap ng organisasyon. Ito umano ang nag-udyok sa US DOJ na sponsoran ang mga kinakailangang programa ng PNP para matulungan ang mga servicemen nito na magkaroon ng sapat pang kaalaman.
Tiniyak ni Bortfeld na mag-iisponsor pa sila ng iba pang mga programa para sa mga opisyal ng pulisya sa Rehiyon 2.
Samantala, pinasalamatan ni PBGEN Rumbaoa ang ahensya ng US.
“Being the father of the Valley Cops, I am aware that much work needs to be done to enhance the skills and knowledge of the Region 2 police force. As such, I implore you to treat this IDC as an important step in achieving the PNP's quality policy and core principles, which will identify capacity for public service and unite to produce effective police officers in the Cagayan Valley through professionalism, public management, and lofty aspirations,” aniya sa kaniyang mensahe.Nagsimula ang 10-day IDC noong Mayo 8, 2023.