Hindi bababa sa 13 bahay ang nasira ng buhawi na tumama sa Barangay Bantayan, Kabankalan City, Negros Occidental noong Huwebes, Mayo 18.

Ibinahagi ni Mayor Benjie Miranda, na bumisita sa mga apektadong kabahayan nitong Biyernes, Mayo 19, nalungkot siya sa sa nangyaring insidente, ngunit nagpapasalamat na walang nasaktan.

Namahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Western Visayas ng relief assistance na binubuo ng food packs, hygiene kits, sleeping, at kitchen kits sa mga apektadong pamilya nitong Biyernes.

Sinabi ni Miranda na ang mga may nasirang bahay ay tatanggap ng ₱3,000 bawat isa, habang ₱4,000 naman bawat isa ang para sa mga nawasak ang bahay.

Probinsya

28-anyos na lalaki, natagpuang patay sa ilalim ng tulay

Nangako rin ang alkalde na magbibigay ng ₱1,000 sa bawat pamilya bukod pa sa cash assistance na kanilang matatanggap mula sa lokal na pamahalaan.

Glazyl Masculino