CAMP OLA, Albay – Nasabat ng mga awtoridad ang umano'y shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P8 milyon mula sa isang hinihinalang tulak ng droga sa buy-bust operation sa Naga City, lalawigan ng Camarines Sur nitong Biyernes ng umaga, Mayo 19.

Kinilala ni Police Lt Col Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-5, ang suspek na si John Joseph Yukim, 34, ng Looban 6, Zone 4, Bayawas, Abella, Naga City.

Si Yukim ay inaresto ng Regional Police Drug Enforcement Unit-5 (ODRDO-RPDEU-5) Team Naga City at Camarines Sur, City Drug Enforcement Unit at Police Station 1 Naga City Police Office (CPO), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) -Bicol sa Zone 2, LCC Exit Terminal, Barangay Sabang bandang 7:05 a.m.

"Nakipagpalit ang subject person ng 200 grams ng meth sa police poseur-buyer. Sa paghahanap at body frisk, isa pang kilo ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa kanyang possession at control," sabi ni Calubaquib.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasa kustodiya na ngayon ng Police Station 1 sa Naga City ang suspek habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 laban sa kanya.

Sinabi ni PRO-5 Director Police Brig. Gen Westrimundo Obinque na ipagpapatuloy ng PNP-Bicol ang pagsisikap nitong sugpuin ang daloy ng iligal na droga sa pamamagitan ng patuloy na law enforcement operations.

"It shall also endeavor to reduce consumer demand for any kind of illegal drugs through preventive education and awareness drive in support to the BIDA program of the government," aniya.

Nino N. Luces