Niyanig ng magnitude 7.7 na lindol ang Karagatang Pasipiko sa timog-silangan ng New Caledonia nitong Biyernes ng umaga, Mayo 19, ayon sa US Geological Service (USGS).

Sa ulat ng Agence France-Presse, isiniwalat ng USGS na nangyari ang lindol na may lalim na 37 kilometro bandang 10:57 ng umaga.

"Based on the preliminary earthquake parameters, hazardous tsunami waves are possible for coasts within 1,000 km (620 miles) of the earthquake epicenter," pahayag ng Pacific Tsunami Warning Center.

Dahil dito, inatasan na ng New Caledonia ang mga residente sa coastal areas na lumikas.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Samantala, kinumpirma naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas.