Pumirma ng memorandum of agreement (MOA) ang Parañaque City government sa dalawang restaurant company para sa ipagkakaloob na trabaho sa mga senior citizen at persons with disability (PWDs).

Pinirmahan ni Mayor Eric Olivarez, the Peri-Peri Charcoal Chicken, at Sauce Bar and Shakey's Pizza Asia Ventures Inc. ang MOA noong Huwebes, Mayo 18 sa Mayor's office.

Ang dalawang kumpanya ay kinatawan ni WOW Band Holdings Inc.-- Peri-Peri Operations Manager Michael Marcelo atShakey’s Pizza Asia Ventures Inc. General Manager Jorge Ma. Querubin Concepcion.

Sinabi ng alkalde na naaayon sa City Ordinance No. 2023-094 ang kasunduan sa pagitan ng pamahalaang lungsod at dalawang restaurant company.

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

Dagdag pa ng alkalde na kinikilala rin ng pamahalaang lungsod ang kapasidad at kakayahan ng mga senior citizen at PWDs.

Batay aniya sa kasunduan, maaaring magtrabaho ang mga kwalipikadong senior citizen at PWD sa mga restaurant company sa kanilang branch sa Barangay San Martin De Porres.

Sinabi ni Olivares na kailangang 60 taong gulang pataas ang mga senior citizen na gustong magtrabaho alinman sa dalawang kumpanya.

Kailangan lamang nilang makapasa sa physical, medical, at laboratory examinations mula sa Parañaque Hospital at makakuha ng medical certificate na nagsasaad na sila ay puwedeng magtrabaho.

Dagdag pa niya, kailangan din magsumite ng mga aplikante ng mga karagdagang dokumento kagaya ng recommendation letter mula saPublic Employment and Services Office (PESO);resume; medical certificate; resulta ng kanilang physical, medical, at laboratory examination; Mayor's permit mula sa Parañaque City Health Office; barangay certification; police clearance o NBI clearance, at iba pa.

Jean Fernando