Ipinahayag ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) nitong Biyernes, Mayo 19, na naiintindihan at nirerespeto nila ang desisyon ni Vice President Sara Duterte na magbitiw bilang miyembro ng partido.
Inanunsyo kaninang umaga ni Duterte, nagsilbing chairperson ng Lakas-CMD, ang pagbibitiw niya bilang miyembro nito.
BASAHIN: VP Sara, nagbitiw bilang miyembro ng Lakas-CMD
“We thank Vice President Sara Duterte for the services she rendered to our party, the Lakas-CMD, as party chair, and for helping us build a Unity Team aimed at bringing meaningful change to Philippine society,” pahayag ni Agusan del Norte 1st district Rep. Jose “Joboy” Aquino II, secretary general ng Lakas-CMD.
“As we respect her decision, we understand her reason for leaving the political party.”
Sinusuportahan din umano ng partido ang naging panawagan ni Duterte sa lahat ng political leaders na suportahan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at magkaisa para sa tagumpay ng administrasyon at kapakinabangan ng mga mamamayan.
“We continue to believe in our shared vision that only a country united can lift the Filipino people out of poverty and ensure a better future for generations to come,” ani Aquino.
Inanunsyo ang pagbibitiw ni Duterte matapos ang naging pagpapatalsik kay Pampanga 2nd district Representative at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker noong Mayo 17.
Si Arroyo ang chairperson emeritus ng Lakas-CMD, ang pinakamalaking partido sa Kamara.