Camp Olivas, San Fernando, Pampanga -- Inaresto ng awtoridad ang isang Indian national na sangkot umano sa pagnanakaw ng dump truck sa Camiling, Tarlac, ayon sa ulat noong Huwebes, Mayo 18.

Sa isinumiteng report sa Police Regional Office 3, nagsagawa ng follow-up operation ang Camiling Police nang matanggap ang ulat tungkol sa nawawalang Isuzu dump truck noong Mayo 16.

Ang may-ari ng nasabing dump truck ay kinilalang si Elpidio Dela Cruz at nabanggit na ang kaniyang truck ay nakaparada sa kaniyang bahay sa Brgy. Palumbo Caarosipan.

Ngunit sa follow up operation ng PNP, natagpuan ang dump truck sa Brgy. Tambungan sa ilalim umano ng pagmamay-ari ni Ropinder Singh (Indian name) a.k.a Jaani Singh (Philippine name), 27, at nakatira sa Kawili Oligario, Mangatarem, Pangasinan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Naaresto ang suspek at dinala naman sa Camiling Police ang ninakaw na sasakyan para sa "proper disposition."