Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Agusan del Norte nitong Biyernes ng hapon, Mayo 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 3:19 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 6 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Santiago, Agusan del Norte, na may lalim na 1 kilometro.

Naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

VP Sara sa kaniyang plano sa politika: ‘It is always God’s purpose that shall prevail!’

Intensity III - City of Cabadbaran, AGUSAN DEL NORTE

Intensity I - Hinunangan, SOUTHERN LEYTE

Wala namang inaasahang ng aftershocks ang lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.