PASIG CITY -- Nasamsam ngPhilippine Drug Enforcement Agency (PDEA)ang₱2,120,000.00 halaga ng 424 gramo ng ketamine sa Barangay Manggahannitong Huwebes ng gabi, Mayo 18.
Kinilala ng PDEA Central Luzon ang suspek na si Danilo L. De Guzman alyas John Vincent Cruz, 23, residente ng Sampaloc, Maynila.
Ang iligal na droga ay nagmula pa sa bansang Poland at dumating sa Clark port noong Mayo 14, 2023.
"The parcel containing illegal drugs was declared as Rose Candle Series of test indicated presence of illegal drugs that prompted us in launching controlled delivery operation," saad ng PDEA team leader.
Ang ketamine ay isang mapanganib ng gamot na inuri bilang "hallucinogens."
Ang anti-illegal drug operation ay pinangunahan ng PDEA Central Luzon, PDEA Clark Airport Interdiction Unit at Bureau of Customs Port of Clark.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 4 ng RA 9165 ang claimant.