Wala pa ring nanalo sa tumataginting na ₱32 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi, Mayo 18.

PCSO

Sa official draw results na inilabas ng PCSO, walang nakahula sa winning combination na 19-23-33-46-07-29 ng Super Lotto 6/49 na may kaakibat na ₱32,531,505.40. Gayunman, may 14 na winners ang nanalo ng second prize na may halagang ₱50,000.

Wala ring nanalo sa ₱11,141,838.60 jackpot prize ng Lotto 6/42 na may winning combination na 15-05-41-21-01-27. Ngunit nasa 47 naman ang mag-uuwi ng ₱24,000 para sa second prize.

Politics

'Mas importante sa kanila sikmura!' SP Win, nagkomento sa mababang ratings ni PBBM!

Kaya asahan na mas tataas pa ang papremyo sa susunod na bola.

Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Linggo habang kada Martes, Huwebes, at Sabado naman ang Lotto 6/42.