Isang artwork gamit ang artificial intelligence (AI) ang ginawa ng netizen na si Jerson Chavez, 32, mula sa Iloilo City, tampok ang imahen nina Marshall at Millions, ang dalawang aso sa London na nasawi sa pamamaril ng mga pulis.

BASAHIN: Pamamaril ng kapulisan sa 2 asong sina Marshall at Millions sa London, nagdulot ng protesta

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Chavez na ginawa niya ang naturang artwork, gamit ang digital art tools na Midjourney, para bigyan ng tribute ang dalawang canine dogs.

“I've been an animal lover for as long as I can remember, and nothing breaks me more than to see defenseless pets such as Marshall and Millions die because of us,” ani Chavez.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Naisip daw niya ang concept ng imahen nina Marshall at Millions bilang mga anghel, dahil naniniwala siyang masaya na ang dalawa sa kinalalagyan nila ngayon sa kabila ng sakit na naranasan nila sa mundong ito.

“I wanted to tell the people that in the end, they are in a more safe and happy place,” saad ni Chavez.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 32,000 reactions, 448 comments, at 35,000 shares ang kaniyang post sa Facebook.

Komento ng netizens na nakikisimpatya sa sinapit nina Marshall at Millions:

“Run Free Beautiful souls.🐾🕊️you both deserve the world but let God take the rest♥️🐶🕊️.”

“Run free in heaven Marshall and Millions!”

“These dogs deserve everything in the world and for a snap, they were selfishly taken. I hope justice will be served.”

“This is so heartbreaking 💔 Run freely babies 🥺🥺.”

“Sign the petition now!! #justiceformarshallandmillion