Namigay ng mga libreng gamot ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kanilang mga kwalipikadong benepisyaryo noong Miyerkules, Mayo 17.

Pinangunahan ni Dr. Rouel C. Aparato, Medical Officer VI ng Medical Services Department (MSD) ang pagbibigay ng mga libreng gamot at bitamina sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng ahensiya sa PCSO Conservatory Building sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Ayon sa PCSO nitong Huwebes, tinanggap ni Dr. Maritess M. Malvar ng bayang ng Taytay, Rizal ang mga gamot na nagkakahalagang P30,000 na gagamitin para sa “Dental Mission and Circumcision Drive” sa tatlong barangay ng nasabing bayan na gaganapin ngayong buwan ng Mayo at Hunyo.

Sumunod namang tinanggap ni Ginoong Jess Marquez, Chief of Staff mula sa unang distrito ng Aklan ang mga gamot na nagkakahalaga ng P10,000.00, na ipapamahagi nila sa kanilang nasasakupan sa lalawigan ng Aklan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tumanggap naman ng mga libreng gamot na may halagang P20,000 ang staff ni Congresswoman Jocelyn P. Tulfo ng ACT-CIS Partylist na si Michelle Albelda na gagamitin para sa mga matatanda at bata na tinutulungan ng nasabing partylist.

Nasa P20,000 halaga ng gamot naman ang ipamimigay ni Samra Pulalon, staff ni Congressman Ralph Tulfo ng ikalawang distrito ng Quezon City, sa mga matatanda at bata sa lungsod para sa kanilang buwanan gamot.

At panghuli, nakatanggap din ng mga libreng gamot at bitamina si Rodolfo Vizcaya, kinatawan ng Ako Bicol Partylist. Ang mga nasabing gamot ay nagkakahalaga ng P50,000.00 na ipapamahagi sa mga residente ng Region 5 o Bicol Region.