“No justice, no peace, they're killing dogs on our streets.”

Ito ang isa sa mga sigaw ng mga taong nagpoprotesta ngayon sa London matapos masawi sa pamamaril ng mga pulis ang dalawang asong sina Marshal at Millions dahil sa umano’y pag-atake ng mga ito sa isang babae.

Sa isang video footage ng insidente na kumakalat online, makikitang hawak ng fur parent na kinilalang si Louie Turnbull, 46-anyos at walang sariling tirahan, ang tali nina Marshal at Millions habang kasunod ng mga ito ang mga pulis na nais arestuhin si Turnbull.

Makikitang tinatahulan nina Marshall at Millions ang mga pulis na, ayon kay Turnbull, ay senyales ng pagprotekta ng mga ito sa kaniya.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Doon na binaril at namatay ang dalawang aso habang inaresto naman ng ibang mga pulis si Turnbull.

"They pulled out all their weapons. They were intimidating me and the dogs. And all they were doing was trying to protect me. I had them on the lead, I was pulling them away, and they just murdered them," saad ni Turnbull.

Ang nasabing pag-aresto ay dahil sa mga ulat daw na inatake nina Marshall at Millions ang isang babae at alaga nitong aso sa lugar. Ligtas naman umano ang babae at kaniyang alaga.

Ayon sa asawa ng babae, labis itong nasaktan sa sinapit nina Marshall at Millions. Nakiusap na raw ito noong una na huwag nang isangkot ang mga pulis sa nangyaring pag-atake sa kanila dahil natatakot siya sa maaaring sapitin ng dalawang aso.

Dahil nga sa nangyaring pagpatay kina Marshall at Millions, iba’t ibang mga indibidwal at grupo sa bansa ang nagprotesta para sa hustiya at nagsagawa ng vigil para kina Marshall at Millions.

Nais rin nilang malagot ang mga pulis na sangkot sa pagpatay sa dalawang canine dogs.