Umabot sa “danger” level ang 36 lugar sa bansa nitong Huwebes, Mayo 18, ayon Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, naitala ang mapanganib na heat index sa Calapan, Oriental Mindoro (47°C), Legazpi City, Albay (47°C), Central Bicol State University of Agriculture, Pili, Camarines Sur (46°C), Guiuan, Eastern Samar (46°C), Masbate City, Masbate (46°C), Roxas City, Capiz (46°C), Alabat, Quezon (45°C), Aparri, Cagayan (45°C), Baler, Aurora (45°C), Catbalogan, Western Samar (45°C), Dipolog City, Zamboanga del Norte (45°C), Casiguran, Aurora (44°C), Catarman, Northern Samar (44°C), Infanta, Quezon (44°C), Sangley Point, Cavite (44°C), Ambulong, Tanauan, Batangas (43°C), Butuan City, Agusan del Norte (43°C), Clark Airport, Pampanga (43°C), Central Luzon State University, Muñoz, Nueva Ecija (43°C), Dauis, Bohol (43°C), Iloilo City, Iloilo (43°C), Laoag City, Ilocos Norte (43°C), Maasin, Southern Leyte (43°C), San Jose, Occidental Mindoro (43°C), Tuguegarao City, Cagayan (43°C), Borongan, Eastern Samar (42°C), Coron, Palawan (42°C), Daet, Camarines Norte (42°C), Dagupan City, Pangasinan (42°C), Davao City, Davao del Sur (42°C), Iba, Zambales (42°C), Surigao City, Surigao del Norte (42°C), Tacloban City, Leyte (42°C), Tayabas City, Quezon (42°C), Virac, Catanduanes (42°C), at Zamboanga City, Zamboanga del Sur (42°C).

Ang heat index ay ang pagsukat umano kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index na mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion”.

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng PAGASA.

Naitala noong Mayo 12 sa Legazpi City, Albay, ang pinakamataas na heat index sa bansa ngayong taon matapos umanong makaranas ang lugar ng 50°C.

BASAHIN: Heat index sa Legazpi City, pumalo sa 50°C, pinakamataas na naitala ngayong taon

Matatandaang, dahil sa init ng panahon, ipinahayag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel kamakailan na dapat maglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng direktiba na naglalayong bigyan ng ‘work break’ ang outdoor workers tuwing mataas ang heat index sa kanilang lugar.

BASAHIN: ‘Work break’ tuwing mataas ang heat index, ipagkaloob sa outdoor workers – Pimentel

Dahil din sa init ng panahon ay binigyang-diin kamakailan ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan na kinakailangan nang ibalik ang school calendar sa dati, kung saan bakasyon ang buwan ng Abril at Mayo, para umano sa kaligtasan ng mga estudyante.

BASAHIN: ‘School calendar, kailangan nang maibalik agad sa dati’ – house leader