Tatlong katao ang patay habang lima pa ang sugatan nang bumagsak ang isang puno ng Balete sa Estero de Magdalena, sa Binondo, Manila nitong Huwebes ng umaga.

Ang mga nasawing biktima ay nakilalang sina Edcel Landsiola, 42;  at ang mag-amang sina Jomar Portillo, 28, at John Mark, 2.

Wala ng buhay si John Mark nang marekober ng rescue team, habang nasawi naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang kaniyang ama at si Landsiola.

Samantala, sugatan naman sa insidente sina Katelyn Caparangan, 13, na nakaranas din ng pananakit ng leeg at hyperventilation, at kaniyang amang si Reynaldo Caparangan; Alvin Portillo 32; Gecalyn Villorigo, 22;  at isang 'di pa kilalang biktima, na pawang nagtamo ng multiple abrasions.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Batay sa ulat ng Manila DRRMO, nangyari ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw sa nasabing estero, malapit sa kanto ng Recto Avenue at Reina Regente St., sa Binondo.

Nagulantang na lamang umano ang lahat ng bumagsak ang naturang puno habang nasa kasagsagan ng mahimbing na pagtulog ang mga biktima.

Mabilis namang rumesponde ang mga rescuers nang matanggap ang ulat at dakong alas-7:33 ng umaga nang mailabas ang lahat ng biktima.

Hindi pa naman mabatid kung ilang bahay ang nadamay at kung anong dahilan mg pagbagsak ng nasabing puno. 

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.