NUEVA ECIJA -- Nasa 23 miyembro ng hindi bababa sa dalawang malalaking grupo ang nag-withdraw ng kanilang suporta sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF)

Tatlo ang mula sa Alyansa ng Mamamayang Nagkakaisa (ALMANA) at 20 mula sa Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) na kaanib sa Kilusan ng Magbubukid ng Pilipinas. Ang dalawang grupo ay kilala sa CPP-NPA-NDF.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Ang mga dating rebelde ay nanumpa ng kanilang katapatan sa gobyerno ng Pilipinas nitong Miyerkules, Mayo 17 at nito ring Huwebes, Mayo 18.

Ayon kay Nueva Ecija police provincial director Police Col. Richard V. Caballero, pinangasiwaan ng iba't ibang police units at ng 703rd Brigade of the Philippine Army ang pagkalas ng suporta ng taltong dating miyembro na ALMANA sa CPP-NPA-NDF. sa Barangay Calabasa, Gabaldon, Nueva Ecija.

Samantala, nagsagawa ng special intelligence operation ang mga awtoridad na nagresulta sa boluntaryong pag-withdraw ng suporta ng 20 miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) sa isang peace rally sa Barangay Manacsac, Guimba, Nueva Ecija. 

Ang 23 dating tagasuporta ng mga rebelde ay nanumpa at pumirma ng kanilang panunumpa ng katapatan sa gobyerno. Sasailalim din sila sa dokumentasyon.