Nagpatulong na sa kakilalang social media personality si Xander Ford upang mahabol raw ang ipinangakong ₱349k sa kaniya ng kinuhang ninong sa binyag ng anak, na si vlogger "Makagwapo" o Christian Merck.

Matatandaang noong binyag ng anak niya, naglitanya ng sama ng loob si Xander laban sa mga taong nangakong pupunta sa binyag ng anak, subalit hindi naman nagpakita sa mismong aktwal na seremonya.

Isiniwalat sa posts ni Xander na ang pinariringgan niya ay si Makagwapo na nangakong paluluwalan daw ang kalahati ng gastos sa binyaga ni Baby Xeres, at bukod dito, bibigyan pa nga ng nabanggit na halaga ng pera.

Sa kaniyang latest Instagram post, makikitang kasama ni Xander ang vlogger na si Awitgamer at nagpapatulong dito upang makausap nang personal si Makagwapo at matapos na ang problema nilang pinagpipiyestahan sa social media.

National

OVP nagsagawa ng relief operations kahit lumipad pa-Germany si VP Sara

"THANK YOU AWIT SA TULONG," ani Xander sa caption ng kaniyang Instagram post.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Move on na Xander nairaos muna binyag ng anak mo di ka na lang magpasalamat na galing sa sarili mong sikap yung pinangbinyag mo sa anak mo. Wag ka umasa sa tulong ng iba para di ka din na disappointed sa ibang tao. At wag na wag mo iasa sa iba ang RESPONSIBILIDAD MO SA ANAK MO. MAGPAKATATAY KA IPAKITA MO SA ANAK MO NA KAYA MO SYA PALAKIHIN NG WALA KANG INAASAHAN NA IBA!"

"Ganyan dapat be grateful sa andyan na sumusporta sa'yo at wag hanapin ang mga taong wala."

"Mabait 'yan si idol Awit, marami pagpapala kapalit sa ginagawa n'ya,👏pagpatuloy mo lang Sir Awit pagging matulungin sa kapwa."

Samantala, wala pang update kung nagkaayos na ba sina Xander at Makagwapo.