Nagbabalik para sa ikalimang edisyon ang Navoteño Film Festival ngayong taon, bukas para sa parehong amateur o professional filmmakers ng lungsod.

Sentro ng city film fest ang temang “Navoteña, Nangunguna: The role of Navoteñas in power and decision-making.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang materyal na isusumite ay isang orihinal na short narrative film na may habang 8-10 minuto ng kahit anong genre.

Malaya rin ang lahat ng entry kung English o Filipino ang gagamiting midyum sa pelikula.

Bukas para sa lahat ng residente ng Navotas City ang film fest.

Tatanggap ng entry films ang komite hanggang Hunyo 15, 2023.

Pipili ng Top 10 finalists ang film fest committee na makapag-uuwi ng tig P5,000; P10,000 ang maiuuwi ng tatanghaling third prize winner; P20,000 ang second prize winner; at P30,000 naman ang mapapanalunan ng first prize winner.

Ang ikalimang edisyon ng city film fest ang unang open category competition sa limang taon nitong pagkakatatag.