Nilinaw ni San Juan Mayor Francis Zamora nitong Miyerkules na nananatiling opsiyonal ang pagsusuot ng face mask sa National Capital Region (NCR).

Ayon kayZamora,na siyang pangulo ng Metro Manila Council (MMC), hindi pa aniya kinakailangan ang mandatory na face mask use sa NCR dahil ito’y nananatiling nasa low-risk category sa COVID-19, sa kabila nang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng sakit.

Aniya pa,natalakay na rin ito ng Metro Manila mayors sa Department of Health (DOH), na nagsabing ang hospital utilization rate sa rehiyon ay nasa 29% lamang habang ang positivity rate naman ay nasa 25%.

Gayunman, klinaro ng alkalde na maaari pa ring magpatupad ang mga lokal na pamahalaan ng face mask policy sa pamamagitan ng isang Executive Order o di kaya ay ordinansa, kung talagang kakailanganin.

Metro

Sa dami ng nagkakasakit: ER sa ilang ospital sa QC, puno na sa pasyente

Kaugnay nito, muli rin namang hinikayat ni Zamora ang publiko na magpabakuna na at magpaturok ng booster shots dahil ito ang pinakamabisang paraan nang paglaban sa virus.