Ang pagkakaroon ng magandang kalusugan ang siyang nagiging “top urgent personal concern” ng mga Pilipino, ayon sa inilabas na resulta ng March 2023 survey ng OCTA.

Sa inilabas na “Tugon ng Masa” survey ng OCTA, 66% ng mga Pilipino ang nag-aalala para sa kanilang kalusugan.

Samantala, 51% naman umano ng mga Pinoy ay ang pagtatapos o pagkakaloob ng edukasyon sa kanilang mga anak ang nagsisilbing “top urgent personal concern” nila, habang 50% ang may top concern sa pagkakaroon ng naayos na trabaho.

Ayon sa OCTA, kabilang sa mga talagang nais manatiling malusog at makaiwas sa sakit ang 78% ng NCR, 70% ng Balance Luzon, 68% ng Mindanao, at 51% sa Visayas.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Samantala, 59% naman umano sa Visayas ang nababahala sa pagtatapos ng pag-aaral o pagbibigay ng edukasyon para sa kanilang mga anak, 48% sa NCR, 47% sa Balance Luzon, at 52% sa Mindanao.

Sinabi rin ng OCTA na 35% ng mga respondente sa Mindanao ang nag-aalala at nais magkaroon ng maayos na suweldo o pinagmumulan ng kita, habang 39% naman sa NCR.

Isinagawa umano ang nasabing non-commissioned survey, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Pinoy sa bansa na may edad 18 pataas, mula Marso 24 hanggang 28 ngayong taon.