Bagama't malayo sa pamilya ang singer-actor at international theater actor na si Gerald Santos, masaya naman niyang naipagdiwang ang kaniyang kaarawan noong Mayo 15 sa Barcelona, Spain.

Pero bago niyan, nagkaroon ng pre-birthday concert si Gerald para sa mga Filipino community na nakatira sa Copenhagen noong Mayo 13. Bukod doon, nagconcert din siya last May 12 sa Helsingør para rin sa ating mga kababayan.

Samantala, gandang-ganda naman si Gerald sa Europe kaya ibinabahagi niya sa netizens sa pamamagitan ng pagpo-post ng video sa kaniyang social media ang magagandang lugar na kaniyang napuntahan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naging successful ang pagganap niya bilang "Thuy" sa Miss Saigon sa Denmark. Katunayan, sa anim na buwan na kaniyang pamamalagi roon, ratsada ang kaniyang naging performances sa Copenhagen. Kapag hindi naman busy si Gerald he sees to it na makapasyal sa mga malalapit na bansa ng Denmark gaya ng Netherlands, Sweden, Czech Republic, Italy at Poland.

After ngang ipagdiwang ni Gerald ang kaniyang birthday sa Spain ay tutulak daw siya papuntang France at USA. For the record, record-breaking ang naging pagganap ni Gerald bilang Thuy dahil umabot sa 617th performances noong Mayo 7 sa Det NY Theater sa Copenhagen, Denmark.

Ang kagandahan sa singer-actor never daw siyang magsasawang gampanan ang role bilang Thuy sa Miss Saigon.

Kapag nakapunta raw si Gerald sa USA, ika niya, isa sa mga agenda niya ay makapag-audition sa mga musical plays sa New York gaya ng "Les Miserables," "Phantom of the Opera," "Hamilton," King and I" at lalo na raw sa "Aladdin."

Pagbibigay patunay lang nito ni Gerald na tuluy tuloy ang kaniyang pagiging international artist at pagbabahagi ng world class talent na mayroon ang isang Pinoy sa iba't ibang bansa. Pagbibigay-karangalan na rin sa ating bansa.

Sa pagbalik naman daw ni Gerald sa Pinas magiging busy rin ito dahil may original song siyang pipiliin na hinahangad niyang pumatok at magustuhan ng mga tao at ng kaniyang mga tagahanga.