Lusot na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nag-uutos sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na gumawa ng technical-vocational education and training (TVET) at livelihood programs para sa mga dating drug dependent na sumailalim sa rehabilitasyon.

Umabot sa 260 mambabatas ang umaprub sa House Bill (HB) No. 7721 o An Act Mandating the TESDA to Design and Implement Technical-Vocational Education and Training and Livelihood Programs Specifically for Rehabilitated Drug Dependents.”

Ang panukala ay nag-uutos sa Director General ng TESDA na agad na isama sa programa at badyet ng ahensya ang disenyo at pagpapatupad ng TVET at mga programang pangkabuhayan na partikular na tutugon sa mga dating umaasa sa droga na sumailalim sa rehabilitasyon.

Inaatasan din nito ang TESDA, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE), na bigyan ang mga rehabilitated drug dependent ng competitive at employable skills na magpapahusay sa kanilang kakayahang makahanap ng magandang trabaho at mga oportunidad sa kabuhayan.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na maraming mamamayan na naging biktima ng iligal na droga at matagumpay na sumailalim sa rehabilitasyon ay nahihirapang makapaghanap-buhay hindi lamang dahil sa stigma kundi dahil din sa kakulangan ng mga kasanayan na kinakailangan upang makakuha ng trabaho.

“This measure aims to help them become our partners in nation-building by contributing to the betterment of our country through self-reliance, productivity and being employed in our industries,” ani Romualdez sa panukalang inihain nina Representatives Alfel Bascug, Eddiebong Plaza, at Joseph “Caraps” Paduano.