Matapos makuyog at ma-cancel sa social media ay agad na humingi ng paumanhin ang Pinoy Big Brother Grand Winner at social media personality na si Slater Young tungkol sa mga naging saloobin niya, na "very normal" lang sa isang lalaking may jowa na ang magpantasya ng ibang babae, na nasambit niya sa mismong podcast nila ng misis na si Kryz Uy.
Ayon kay Slater, normal lamang na nangyayari ito, lalo na sa group chats ng mga magkakaibigang lalaki.
Ayon sa anonymous listener, ang boyfriend daw niya ay napag-alaman niyang nagpapantasya ng ibang babae kasama ang iba pa nitong mga kaibigan, batay sa kanilang group chats.
Sa naturang group chats ng mga kaibigan ng kaniyang boyfriend, makikita ang iba't ibang litrato ng mga babaeng pinapantasyahan nila.
Sey naman ng mag-asawa, "very normal" ang ganitong akto sa mga lalaki, at nagiging masama lamang kung gagawin nang aktuwal na hahantong na sa cheating.
“The guy is being absolutely honest,” ani Slater.
"Kasi siyempre, if I’m going to lie to you, and you ask me if I have boners about other women and if I wanted to lie just to make you comfortable, I’m just gonna say, ‘No, of course not.’ Kryz and I talk about that. It’s normal. It’s just a fact of life that there are many other women more attractive than you or just as attractive than you.”
"Yung mga groups na nagsesend ng mga photos of girls and like fantasizing over it, it’s normal. We have a lot of chat groups with friends, not necessarily dedicated to that. From time to time, usually comes from dalawa or tatlong tao na mahilig mag-send nang ganyan. May mga comment-comment pa. Siyempre ikaw, as part of that group and as a guy, sakyan mo lang."
Dahil dito, trending topic sa Twitter si Slater at sinabi pang "red flag" umano ang social media personality.
Kaagad namang humingi ng paumanhin si Slater sa kaniyang mga nasabi at naapektuhan ng kaniyang "sexist remarks."
"I finally realized 'Oh my god, yeah, I really made a mistake because I'm giving it power to say it's okay. And me saying it's normal kind of normalizes it and makes it okay, which the last thing in my mind and my heart would be---to objectify women," paglilinaw ni Slater.
Dagdag pa niya, "I think yun talaga yung pinakamalaki kong learning. A big eye opener for me. I truly, truly do apologize in my hearts of heart hindi talaga ako pro-objectifying women but yun yung mga words na sinabi ko, yun yung effect na nagawa ko sa mga sinabi ko. It's a learning experience for me, especially given the platform that we have."