Namahagi ng 200 hygiene kits sa mga buntis ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ilang lugar sa Taytay, Rizal kamakailan.

Ayon sa PCSO sa kanilang Facebook page nitong Martes, Mayo 16, pinangunahan ninaPCSO Board of Directors Janet De Leon-Mercado at Jennifer Liongson-Guevara, kasama ang Corporate Planning Department Manager at GAD Focal Person na si Atty. Anna Liza P. Inciong ang pamamahagi ng hygiene kits sa 200 buntis sa Barangay Dolores, San Juan, San Isidro, Muzon, Sta. Ana, Taytay Rizal noong Mayo 12, kasabay ng selebrasyon ng Mother's Day.

Nagbahagi rin ng tips ang isang eksperto tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin habang nagbubuntis upang mapangalagaan ang mga ina at matiyak umano ang kalusugan ng mga sanggol sa kanilang sinapupunan, ayon sa PCSO.

Nagpasalamat ang mga buntis sa natanggap nilang hygiene kits at diapers. Bukod dito, namigay rin ang PCSO ng libreng lotto ticket para sa mga ina na labis umano ikinatuwa ng mga ito at baka raw swertehin silang maging jackpot winner.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists